Persistent Prayer πŸ™

“Nung bata tayo, ‘pag hindi ibinibigay ng mga magulang natin ang mga bagay na gusto nating laruan, may pagkakataon na nagta-tantrums tayo.Tila ba nagagalit tayo sa kanila at nagtatampo dahil hindi natin maintindihan kung bakit ayaw nila itong ibigay sa atin.

Gayunpaman, humuhupa pa rin ang tampo at iyak sa mga pagkakataong ipinapaintindi nila sa atin ang dahilan kung bakit hindi nila pinagbibigyan ang gusto natinβ€”marahil masyado itong mahal, at hindi ito para sa atin, o kaya naman hindi pa panahon, o dahil may mas maganda at malaki silang regalo kaysa sa bagay na hinahangad natin. Ano mang dahilan nila, atin agad itong pinaniniwalaan at pinanghahawakan.

At ganyan rin ang dapat nating alalahanin sa tuwing hindi ibinibigay ng Panginoon ang bawat kahilingan natin sa Kanya. Gaya ng isang magulang, alam ng Panginoon ang mas nakabubuti para sa mga anak Niya. Kaya nawa, kagaya ng isang bata, maniwala tayo sa Kanyang planoβ€”at maririnig lamang natin ito sa pamamagitan ng palagiang pakikipagusap sa Kanya sa panalangin.”

Leave a comment